i'm just ordinary girl with a simple dreams and shallow happiness.. a bubbly person that loves laughing out loud yet responsible enough to handle such responsibilities.

i can be a VERY GOOD friend and even a best friend.. but i can also be a VERY BAD enemy.. especially if you did something to me that made me feel very angry..

i love listening to my ipod, watching tv series in my laptop when i'm bored, reading pocketbooks, may it be english or tagalog, i love hanging out with my friends anywhere, even if we lack money sometimes ^_^

i'm very down to earth.. many people sees me as a kikay and mayabang and snobbish.. but i'm not, i'm actually very friendly. just try to ask my friends :D

when it comes to love, i'm a certified hopeless romantic.. i don't know why but i always believed in happy endings, in prince charming, in destiny. when i love a person, i really give 100% of my love and trust. and the result? i always ends up hurting and crying..

but even if i'm emotional ALWAYS, i'm also strong when it comes to dealing with problems. i may cry for sometime, but rest assured, i'm doing something just to solve that problem ^_^

i always believe that GOD LOVES ME.. AND HE'S ALWAYS WITH ME.




Tao lang! Marunong ding masaktan!

May mga bagay na akala natin, alam na natin. Mga mga lugar na akala natin, kabisado na natin, at may mag tao na akala natin, kakilala na talaga natin. Pero dadating din pala ang panahon para sa isang tao na ang lahat ng inakala nya, wala na pala.

 

Matagal-tagal din akong hindi nakapagsulat. Dahil na din sa maraming rason, nandyan na busy ako sa maraming bagay, busy ako sa paggala kasama ang barkada, busy sa pag-aasikaso ng maraming bagay, busy sa pag aayos ng sarili, at higit sa lahat, wala akong inspirasyon para magsulat ulit. Pero bakit eto ulit ako? Nagsusulat muli. Siguro kasi, nandito ako sa office, nakatunganga, walang email connection, at biglang maraming gumulo sa utak ko.

 

May mga taong nawawala. Pero may mga pumapalit, o bumabalik. Yun ang napatunayan ko. Kasi palaging nangyayari sakin. Ngunit naisip ko, lagi na lang bang ganon? Hindi ba pwedeng may mga bagong dumadating, at bumabalik, pero walang nawawala? Napakamakasarili bang hilingin ang bagay na yun? Hindi lang iisa, o dalawa ang taong nawala na sa buhay ko. Kung tutuusin, dapat sanay na ako eh. Pero siguro, yun ang bagay na never kong makakasanayan, ang mawalan ng taong mahalaga sa buhay ko. Na sa tuwing may nawawala, sobra ang epektong sakit sa akin. Madrama? Ganon talaga eh. Grabe kasi ako magpahalaga sa taong tinuturing kong kaibigan. Pero madalas, masakit malaman na ang tinuturing mong kaibigan, mula pala umpisa, hindi na totoo ang pinapakita sa’yo. Lahat ng kabaitan, kabutihan, at pang unawa na ipinakita nya, lahat ng iyon, balat-kayo lang. Bakit kaya may mga taong sadyang makasarili at walang pakialam sa nararamdaman ng mga tao sa paligid nila? Dahil mas madaling magpakita ng kagaspangan ng ugali, kesa sa pagpapakita ng kabutihan?! O tinitingnan lang nila kung hanggang saan an gating pasensya at pang-unawa?! Pero hindi ba, lahat ng tao, dumadating sa punto na napapagod na ding umunawa, umintindi at magpakumbaba? Kagaya ko, tingin ko ngayon, mapagpatawad ako pero hindi ko na ibababa ang sarili ko para sa mga taong walang inisip kundi ang pansarili nilang kagustuhan at kapakanan.

 

Kung sino o ano man ako ngayon, nakadepende yun sa mga taong nakapaligid at nakasalamuha ko. Kung dumating yung panahon na sobrang magmatigas ako, hindi ko na kasalanan at kagustuhan yun. Dahil tao lang ako, marunong masaktan at mapagod magpakita ng kabutihan sa mga taong hindi karapat-dapat pakisamahan ng maayos. Kung mayroon mang isang bagay akong natutunan, yun ay ang pahalagahan, protektahan at mahalin ang mga taong nanatiling nasa tabi mo, karamay mo sa saya at lungkot, hirap at ginhawa. Hindi kailangang pahalagahan o ipilit ang sarili sa mga taong walang inisip kundi ang kanilang mga sarili. Dahil sa huli, sila ang nawalan, hindi ikaw.

 



Photobucket


Photobucket 1,126 notes


Photobucket 3,228 notes


Photobucket 26,758 notes


Photobucket 24,245 notes


Photobucket 25,363 notes


Photobucket 19,457 notes


Photobucket 2,801 notes


Photobucket 53,210 notes


Photobucket 182 notes

1/104 older